WALANG dapat ikabahala sa bahagyang pagbaba ng net income nila ngayong third quarter ng taon ayon sa restaurant at food service group na Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc.
Sanhi lang anila dito ang nagpapatuloy na expansion investments at sales-building activities.
Pagdating ng 4th quarter, sinabi ng kompanya na sisikapin nilang makamit pa rin ang kanilang target na double-digit net income para sa buong taon.
Sa report nila ngayong 3rd quarter, kumpara sa P256.8M na income sa kaparehong panahon noong 2023, nasa P250M lang ito ngayong 2024.