ISINAILALIM sa State of Calamity ang Aparri dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Marce.
Sa sektor ng agrikultura, mahigit P38M ang halaga ng pinsalang naidulot nito habang P8M sa imprastraktura.
Halos 100% rin ng bayan sa Aparri ang naapektuhan ng bagyo.
Dahil naman nasa ilalim ng State of Calamity, sinabi ng Department of Energy (DOE) na umiiral ang price freeze sa household LPG, at sa kerosene.
Maliban sa Aparri ay nasa State of Calamity na rin ang iba pang lugar sa Cagayan, maging sa Apayao, ang Looc sa Occidental Mindoro, ang Pagudpud sa Ilocos Norte, at Buruanga sa Aklan.