NAKAPAGBIYAHE na ang mga pasahero na 3 araw nang stranded sa Manila North Port.
Itinaas ang Wind Signal No. 2 sa Metro Manila kahapon dahil sa Bagyong Pepito, pero wala naman itong iniwang pinsala sa Maynila sa paglabas nito hapon ng Lunes.
Ang mga na-stranded ng dalawa hanggang tatlong araw sa pantalan sa Maynila, nakabyahe na ngayong araw dahil sa pagganda ng panahon.
Dagsa na ulit ang mga pasahero ngayon sa Manila North Port kasunod ng abiso ng Philippine Ports Authority na maaari na silang maglayag.
Isa sa mga masayang makakauwi ay ang pamilya ni Julio na maagang uuwi para makapagPasko sa Dumaguete.
Habang si Kuya Reggie, nakahinga na nang maluwag matapos malamang makakabiyahe na siya ngayon patungong Bacolod lalo pa’t ang pag-uwi nito sa probinsiya ang hinihintay ng kanilang pamilya para mailibing na ang namatay niyang kapatid.
Mga pamilyang inilikas sa Maynila dahil sa bagyo, nakauwi na sa kanilang mga bahay
Ang mga inilikas noong Sabado bilang bahagi ng preemptive evacuation ng Manila LGU, nakauwi na sa kanilang pamilya dahil na rin sa pagbuti ng panahon.
Una namang kinansela ang pasok ng mga mag-aaral sa buong Maynila dahil sa bagyo ngayong araw.
Korte Suprema, nagpalabas ng suspensiyon ng pasok sa mga korte na apektado ng Bagyong Pepito.
Ang Korte Suprema, sinuspinde rin ang operasyon nito sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Suspendido ang pasok sa mga korte sa probinsiya ng Nueva Vizcaya, probinsiya ng Benguet, sa mga korte na sakop ng San Jose City RTC at Sto. Domingo RTC sa Nueva Ecija.
Maging ang pasok sa mga korte na sakop ng Lagawe, Ifugao RTC at RTC ng Paniqui, Tarlac.
Suspendido din ang pasok sa Baler, Aurora RTC.
Sa bahagi ng Pangasinan, suspendido rin ang pasok sa Rosales RTC Branch53 at Municipal Trial Court sa Balungao, Rosales at Sta. Maria.
Ganundin ang mga korte na sakop ng Dagupan City RTC, Urdaneta City RTC, Tayug RTC, Alaminos City RTC, at Lingayen RTC.
Sa La Union, walang pasok sa mga korte na sakop ng Baunag RTC at Agoo RTC.
At mga korte sa Ilocos Sur.
Ang Bagyong Pepito ang pang labing limang bagyong nakapasok sa bansa ngayong taon.