AASAHAN na ang mas malamig na panahon dahil opisyal nang mararamdaman sa Pilipinas ang Amihan.
Sa mga coastal area ng Luzon, mararanasan na ang mas malamig na temperatura, madalas na wind surges at maaalon na karagatan dahil dito.
Madalas na magsisimula ang Amihan sa buwan ng Nobyembre hanggang Marso sa susunod na taon ayon sa PAGASA.
Ang peak naman ay nararanasan tuwing Disyembre hanggang buwan ng Pebrero.