Anak ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. nanumpa na bilang doktora

Anak ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. nanumpa na bilang doktora

WALANG pagsidlan ng tuwa at pagmamalaki si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. at ang kaniyang buong pamilya dahil isa nang ganap na doktor ang kaniyang anak na si Dra. Loudette.

Si Dra. Loudette ay nanumpa na bilang full-fledged physician noong Biyernes, Nobyembre 22, 2024 sa Philippine Convention Center (PICC).

Si Dra. Loudette ay nagtapos ng kaniyang pre-medical studies sa Ateneo de Manila University at sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC) naman para sa kaniyang Doctor of Medicine degree.

Nakapasa siya ng Physicians Licensure Examination noong Oktubre, taong ito.

Ang kanyang achievement ay isang mahalagang yugto hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi sa buong pamilya Revilla na kasalukuyang nagbubunyi pa sa tagumpay ni Dra. Loudette.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter