INILIPAT na ng Korte Suprema sa Pebrero 4, 2025 ang magiging oral arguments hinggil sa paglilipat ng excess fund ng PhilHealth sa National Treasury.
Inanunsiyo ito ng Supreme Court Public Information Office nitong Lunes, Disyembre 2, 2024.
Orihinal sana itong nakatakda sa Enero 14.
Nasa P89.9B ang ipinababalik na excess funds ng PhilHealth sa National Treasury subalit dahil sa temporary restraining order na inilabas noong Oktubre 29, hindi na muna inilipat ang nasa P29.9B.
Subalit nakatatlong beses na ang PhilHealth nagsauli ng pondo mula buwan ng Mayo hanggang Oktubre na nagkakahalaga sa kabuuan ng P60B.