IPINAPAALALA ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na tanging certified Christmas lights at fireworks lang ang bilhin ngayong holiday season.
Sa pamamagitan nito, matitiyak ang mas ligtas at ‘worry-free’ na selebrasyon ayon kay DTI Sec. Cristina Aldeguer-Roque.
Para matiyak na ‘certified’ Christmas lights at fireworks ang nabili ay hinikayat ng ahensiya na silipin muna ang listahan ng mga produkto na kanilang inilagay sa kanilang DTI-Bureau of Philippine Standards Website.
Binigyang-diin ng kalihim, dumaan ang lahat na produkto na nasa listahan sa ilang tests at naging qualified sa kinakailangang quality and safety standards.