Mga pulis ng PRO3, sumailalim sa 3-Day Marksmanship and Proficiency Training

Mga pulis ng PRO3, sumailalim sa 3-Day Marksmanship and Proficiency Training

SUMAILALIM sa 3-Day Marksmanship and Proficiency Training ang mga pulis sa PRO 3.

Sa pangunguna ni Police Regional Office 3 Director PBGen Redrico A. Maranan, matagumpay na isinagawa at nagtapos ang aktibibidad mula Disyembre 5-7, 2024, sa Bacolor Practical Shooting Range, Bacolor, Pampanga.

Layunin ng pagsasanay na ito na hasain ang kakayahan ng mga pulis sa wastong paggamit ng baril at linangin ang kanilang shooting skills, disiplina, at camaraderie.

Lumahok dito ang mga tauhan ng PRO3, mga civilian gun enthusiast, at iba’t ibang stakeholders na layong mapalakas ang pagkakaisa at pakikiisa sa pagpapalaganap ng ligtas at responsableng paggamit ng baril.

Binibigyang-diin ni PBGen. Maranan ang kahalagahan ng ganitong mga aktibidad upang masiguro ang kahandaan ng ating kapulisan sa pagtupad ng kanilang tungkulin, kasabay ng pagpapalawak ng kaalaman ng iba pang miyembro ng komunidad sa tamang paggamit ng armas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter