‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ Cleanliness Drive, isinagawa ng Sonshine Philippines Movement sa Baclayon, Bohol

‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ Cleanliness Drive, isinagawa ng Sonshine Philippines Movement sa Baclayon, Bohol

ISINAGAWA ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ang ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’ Cleanliness Drive na isang inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa barangay Montana, Baclayon, Bohol sa pakikipagtulungan ng mga SPM volunteer, mga opisyal ng local government at iba pang grupo na nagsama-sama para malinis ang lugar sa Brgy. Montana.

Nagsimula ang event bandang 8:00 ng umaga at naging masigasig na nakiisa ang mga volunteer.

Kasalukuyan nililinis ang lugar ng Brgy. Montana dahil isa itong lugar na dinarayo ng mga turista.

Bukod dito, isa rin ang pinakamatandang simbahan na tourist spot, ang Baclayon Church at magagandang tanawin ng dagat na pwedeng maihalintulad sa Boracay Beach.

Kaya, nagtulong tulong ang mga volunteer na mapaganda ang lugar para nang sa gayon ay mas lalong gumanda ang kapaligiran.

Nililinis ng mga volunteers ang dalampasigan na maraming basura na tinatangay ng alon gaya ng plastic bottles, mga sanga2 ng kahoy, at kung anu-ano pa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter