CPP-NPA ideneklarang persona non-grata ng mga IP leader sa Misamis Oriental

CPP-NPA ideneklarang persona non-grata ng mga IP leader sa Misamis Oriental

AABOT sa 76 na mga Indigenous Peoples (IP) leaders mula sa Higaonon Tribe sa probinsya ng Misamis Oriental ang nagpahayag ng kanilang pag-atras o pagbawi ng kanilang suporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Maliban sa pagbawi ng suporta, idineklara din ng mga IP leaders bilang persona non-grata ang nabanggit na komunistang teroristang grupo. ang seremonya ng naturang hakbang ay ginawa sa Sitio Lantad, Barangay Kibanban, Balingasag, Misamis Oriental.

Ang naturang bilang ng mga IP leader ay nagre-representa mula sa iba’t ibang lugar kagaya ng Barangay Bantaawan sa Gingoog City, Sitio Lantad, Barangay Kibanban, Barangay Bolahan, at Samay sa Balingasag, Misamis Oriental. Base sa impormasyon ang mga nabanggit na lugar ay dating pugad ng rebeldeng grupo.

Sinabi naman Lt. Col. Leoncito Grezula Jr., Commanding Officer ng 58th Infantry Battalion, na ang ginawang hakbang ng Higaonon Tribe leaders ay nagpapatunay na hindi nila nais ang ginagawang paninira at masamang impluwensya ng CPP-NPA sa kanilang rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter