RADICAL, inappropriate, at damaging to children ang kabilang sa mga reklamong natatanggap ni Sen. Joel Villanueva patungkol sa Senate Bill No. 1979 o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023.
Isa itong panukalang batas ni Risa Hontiveros na nagtutulak ng Sex Education para sa mga bata simula sa edad na apat.
“Nakakapangamba po. Gaya ng Sogie Bill. Sige, it’s anti-discrimination pero parang prelude to same sex marriage. Ito parang prelude din ‘to ng abortion,” ayon kay Sen. Joel Villanueva.