2025 national budget, ipinapawalang bisa sa Korte Suprema

2025 national budget, ipinapawalang bisa sa Korte Suprema

INIHAIN na nitong Lunes, January 27, ang petisyon na ipinapawalang bisa sa Korte Suprema ang 2025 national budget.

Sa facebook post ni Atty. Vic Rodriguez ng grupong MAISUG, makikitang hawak nito ang opisyal na kopya ng petisyon.

Kasama nito si Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab na isa rin sa mga pumuna sa mga blankong line items sa bicam report ng 2025 national budget.

Tinawag din nila ang P6.352 Trillion budget ngayong taon bilang The ‘Biggest Money Heist’ o pinakamatinding pagnanakaw sa bansa.

Pinitik din ng mga ito ang mga senador at congressman na hindi tumutol sa pagpasa sa national budget at binansagang mga kasabwat sa umano’y pagnanakaw.

Nauna namang sinabi ng acting chairman ng House Committee on Appropriations na si Congresswoman Stella Quimbo na may mga blangko sa 2025 bicam report.

At may pagpayag umano ang technical staff ng Senado at Kamara para ayusin ang typhographical errors sa bicam report.

“So, notwithstanding any typographical errors or any adjustments that are needed as a result of amendments, the technical staff of both the House and the Senate are authorized to make all of these necessary corrections,” ayon kay Rep. Stella Quimbo.

Pero, sa panayam ng SMNI News ay kinontra ni dating Budget Secretary Wendel Avisado ang dahilan ni Quimbo.

‘’Ang sinabi lang dun eh yung mga typographical errors and those that would require simple correction but certainly not to fill in the blanks specifically for budget appropriation or allocation—kasi wala nga dun eh,’’ saad ni Wendel Avisado Former Budget Secretary.

Iginiit naman ng mga petitioner na ‘𝐏𝐈𝐑𝐌𝐀𝐃𝐎, 𝐑𝐀𝐓𝐈𝐏𝐈𝐊𝐀𝐃𝐎 at 𝐈𝐍𝐈𝐇𝐀𝐈𝐍 bilang enrolled bill ang final bicameral conference committee report na puno ng 𝐁𝐋𝐀𝐍𝐊𝐎.’

‘’Kung walang amount sa bicameral conference committee report interms of appropriating certain figures or amounts for specific departments nabanggit ko nga kanina yung DA, NIA at saka PCA, paano ngayon nagkaroon ng amount yan at na-fill up yung blank or blanks doon sa enrolled bill? Who did it? And who ordered that such be done?’ wika ni Avisado.

Saad naman ni Avisado na may kapangyarihan ang Pangulo ng Pilipinas na i-veto ang mga kwestyunableng item sa bicam report.

Ngunit, naaprubahan as is ang bicam report kahit may nauna nang mga panawagan sa Presidente na suriing mabuti ang budget bill.

‘’The President would have exercised diligent efforts,’’ ani Avisado.

Nauna nang nanawagan kay Executive Secretary Lucas Bersamin si Presidential Sister Imee Marcos na huwag hayaan ang kapatid niya na si Marcos Jr. pirmahan ang tinawag niyang ‘very bad’ budget ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble