Mga magulang at LGUs, hinimok na maging aktibo vs. teenage pregnancies—Sen. Gatchalian

Mga magulang at LGUs, hinimok na maging aktibo vs. teenage pregnancies—Sen. Gatchalian

DAPAT maging aktibo ang mga magulang at ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa pagpigil ng teenage pregnancies sa bansa.

Binigyang-diin pa ni Sen. Sherwin Gatchalian na mas mainam na mapalakas ang tungkulin ng mga magulang na ipaalam sa kanilang mga anak ang magiging resulta ng kanilang mga ginagawa.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bagamat bumababa ang teenage pregnancies sa mga edad 15 hanggang 19 taong gulang, tumataas naman ito sa mga edad 10 hanggang 14 taong gulang.
Mula 1,629 noong taong 2013, umabot na ito sa 3,342 noong 2023.

Kasabay ng pagtaas ng bilang ng teenage pregnancies ay ang pagtaas din ng HIV cases sa mga kabataang edad 15 hanggang 24 taong gulang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble