Halos 120 manggagawa sa Makati office, kakasuhan sa paglabag sa Data Privacy Act

Halos 120 manggagawa sa Makati office, kakasuhan sa paglabag sa Data Privacy Act

UMABOT na sa 117 ang mga manggagawa ng isang opisina sa Makati City na nahaharap sa kasong paglabag sa Data Privacy Act.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang opisina ay ginagamit bilang hub ng ilang online lending applications na nangha-harass ng mga nangungutang.

Sa kabuuan, 131 ang naaresto ng PAOCC mula sa naturang opisina, ngunit 14 sa kanila ang sumang-ayon na magbigay ng testimonya at hindi isasama sa mga kakasuhan.

Isinagawa ang raid noong Enero 31, 2025, ng PAOCC at National Bureau of Investigation (NBI).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble