OKUPADO ng mga sasakyan ng mga doktor, nars, at pasyente ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang tatlong lanes ng Delpan Street sa Tondo, Maynila.
Nagdulot din ito ng pagharang sa daan patungong emergency area ng ospital, bukod pa sa matinding traffic sa paligid.
Pinuntirya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga sasakyang naka-parking sa kalsada bilang bahagi ng kanilang clearing operations nitong Martes.
“Marami na tayong natatanggap na complaint as regards to this area. True enough isang linya na lang po ang nadadaanan.”
“Kawawa naman po ang dumadaan dito kung isang linya na lang po ang magagamit nila. And aside from that, this is in front of a hospital so kung mayroon mang emergency, maantala rin po ang kanilang biyahe,” wika ni Gabriel Go, Head of Special Operations Group-Strike Force, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nagulantang ang mga tauhan at pasyente ng ospital nang maganap ang clearing operations, kung saan isang doktor pa ang naiwanan ang kaniyang pasyente na sasailalim na sana sa operasyon.
“Sana konting konsiderasyon. Paano iyan ‘yung pasyente natin eh di… (Naiiwanan?) Oo,” ayon kay Dr. Ariel Lorenzo, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.
Kinumpirma ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Manila City Government na ang mga sasakyang tinow ay pag-aari ng mga doktor at pasyenteng dumaan sa dialysis na nahirapang maghanap ng parking.
“Vehicles towed earlier were of doctors conducting surgery sa hospital and other dialysis patient that can’t walk too far to find parking,” ani Atty. Princess Abante, Spokesperson, Manila City Government.
Ayon kay Atty. Abante, isang malaking hamon ang limitadong parking space sa isang lungsod na matindi ang congestion tulad ng Maynila.
Bagama’t kinikilala nila ang kakulangan sa parking space, patuloy ang kanilang koordinasyon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at MMDA para masolusyunan ang problemang ito.
“We do not have sufficient open spaces for parking. However, continued coordination with MTPB and MMDA are being conducted to help with this problem,” ani Abante.
Dagdag pa ni Atty. Abante, pinapalakas ng lokal na pamahalaan ang kanilang mga hakbang para gawing mas accessible ang ospital para sa mga empleyado at pasyente.
“We are checking on how more we can assist them para mas maging accessible sa kanila iyong pagpasok sa hospital,“ dagdag nito.
Tiniyak ng pamunuan ng nasabing opsital na hindi na kailanman mahaharangan ang daanan patungo sa emergency room.
Follow SMNI News on Rumble