DENR-NCR at SPUQC muling pinagtibay ang kasunduan para sa National Greening Program 

DENR-NCR at SPUQC muling pinagtibay ang kasunduan para sa National Greening Program 

MULING pinagtibay ng DENR National Capital Region at St. Paul University – Quezon City (SPUQC) ang Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay sa adoption ng National Greening Program (NGP) site sa loob ng La Mesa Watershed Reservation. Ang kasunduang ito ay magpapatuloy sa aktibong kolaborasyon upang pangalagaan ang kalikasan at mapalaganap ang kahalagahan ng mga proyektong pangkapaligiran sa komunidad.

Ang MOA renewal ay pinangunahan ni DENR-NCR Conservation and Development Division – Production Forest Management Section Chief Arturo G. Calderon, RPF at SPUQC President Sr. Lilia Therésè Tolentino, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan sa mga inisyatibo ng NGP at sa pagsuporta sa mga environmental conservation efforts. Ang proyektong ito ay tumutok sa pagpapalawak ng green spaces sa La Mesa Watershed Reservation at pagpapalago ng mga puno at halaman bilang bahagi ng mas malawak na layunin ng DENR na mapabuti ang kalikasan sa Metro Manila.

Ang La Mesa Watershed Reservation ay isang mahalagang ekosistema na nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa mga residente ng Metro Manila. Sa pamamagitan ng mga ganitong proyekto, mas lalo pang napapalakas ang mga hakbang upang protektahan ang likas na yaman at tiyakin ang sustainable environmental practices.

Ang pagkakaroon ng mga institusyong tulad ng SPUQC na katuwang sa mga proyektong pangkalikasan ay isang malaking hakbang upang makamit ang mga layunin ng NGP at magbigay inspirasyon sa mas maraming mga kabataan at komunidad upang makilahok sa pangangalaga ng kalikasan.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the DENR National Capital Region Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble