Paghahanap sa 1 crew ng tumaob na bangka sa karagatan ng Talisay City, pahirapan; 2 crew ligtas na

Paghahanap sa 1 crew ng tumaob na bangka sa karagatan ng Talisay City, pahirapan; 2 crew ligtas na

DAHIL sa malalakas na alon at sama ng panahon, pansamantalang itinigil ng mga tauhan ng PCG Bacolod at PNP-Maritime Group ang paghahanap sa isang tripulante na lulan sa tumaob na bangka sa karagatan ng Talisay City, Negros Occidental.

Nangyari ito nitong Martes ng hapon, Pebrero 18, 2025.

Bagamat nailigtas naman ang dalawang crew ng nasabing bangka sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad.

Dahilan ng paglubog ng bangka ang malalakas na hangin at matataas na alon sa karagatang malapit sa Talisay City.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng Bacolod Maritime Police Station para sa paghahanap sa nawawalang crew.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble