Dagdag-presyo sa petrolyo nakaamba na ngayong linggo

Dagdag-presyo sa petrolyo nakaamba na ngayong linggo

MULING magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng panibagong dagdag presyo sa produktong petrolyo.

Sa pagtataya, tataas ng mula P0.60 hanggang P0.80 ang kada litro ng gasolina habang mula P0.30 hanggang P0.50 sa kada litro ng diesel.

Sa kada litro ng kerosene ay posibleng tataas ng mula P0.10 hanggang P0.30.

Magbibigay naman ang mga kompanya ng langis ng kanilang pinal na price adjustment ngayong araw, Pebrero 24, 2025.

Ang naturang dagdag presyo ay magiging epektibo bukas, araw ng Martes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble