COMELEC nasa 95% nang handa para sa darating na halalan sa Mayo

COMELEC nasa 95% nang handa para sa darating na halalan sa Mayo

NASA 95% nang handa ang Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na national and local elections sa Mayo 12, 2025.

Sa isang press conference, tiniyak ni COMELEC Chairman George Garcia na nasusunod ang iskedyul ng ahensiya, sa kabila ng ilang hamon, kabilang ang mga utos ng korte kaugnay ng diskwalipikasyon ng ilang kandidato.

Ayon kay Garcia, naimprenta na ang 45 milyon sa 72 milyong opisyal na balota hanggang nitong Linggo.

Bagamat nagkaroon ng dalawang linggong pagkaantala, target pa rin ng COMELEC na matapos ang pag-imprenta sa Marso 19, habang ang beripikasyon ng mga balota ay itinakda mula Abril 10 hanggang 20.

Sa huling bahagi ng Marso, posibleng maipadala na rin ang mga election paraphernalia at voting machines sa malalayong lugar upang masigurong handa ang mga polling precincts sa araw ng halalan.

Dagdag pa rito, natapos na rin ang pagsasanay ng mga supervisor ng Department of Education (DepEd) at mga punong-guro, habang nakatakda namang simulan ang training ng Electoral Board sa susunod na linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble