DepEd, mas pinalakas ang pakikipagtulungan sa pribadong sector

DepEd, mas pinalakas ang pakikipagtulungan sa pribadong sector

PINALALAKAS ng Department of Education (DepEd) ang pakikipagtulungan nito sa pribadong sektor sa pamamagitan ng Public-Private Complementarity Framework.

Sa pakikipag-ugnayan sa Private Education Assistance Committee (PEAC), bumubuo ang DepEd ng tatlong taong action plan upang tugunan ang matagal nang hamon sa edukasyon.

Kamakailan, nagsagawa ng workshop ang DepEd upang maisakatuparan ang mga plano para sa pagpapabuti ng kalidad ng pagtuturo at pagbabawas ng siksikan sa mga paaralan.

Ipinagdiwang din ng DepEd ang ika-27 National Convention ng Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) upang pag-usapan ang hinaharap ng pribadong edukasyon.

Tiniyak ni DepEd Secretary Sonny Angara ang patuloy na pakikipagtulungan ng kagawaran sa pribadong sektor upang mapabuti ang mga patakaran at programa sa edukasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble