Nagpapakilalang opisyal ng Pamilya Marcos arestado sa kasong estafa 

Nagpapakilalang opisyal ng Pamilya Marcos arestado sa kasong estafa 

ARESTADO ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Simeon Sander Dela Cruz sa kasong estafa matapos umanong makulembat ng daan-daang milyong piso mula sa mga transaksiyon gamit ang diumano’y koneksiyon sa Pamilya Marcos.

Ayon sa PNP-CIDG, nagpapakilala si Dela Cruz bilang undersecretary nina Pangulong Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos upang makuha ang milyun-milyong pisong halaga ng proyekto.

Sa operasyon ng mga awtoridad, inabutan siyang nakasuot ng barong sa isang hotel at pinosasan habang gumagamit ng telepono. Ilan sa mga proyektong sangkot siya ay may kinalaman sa imprastraktura, kalsada, at suplay.

Hinihikayat ng PNP ang iba pang biktima ni Dela Cruz na magsampa ng reklamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble