Fire prevention araw-araw na dapat ugaliin—BFP spokesperson

Fire prevention araw-araw na dapat ugaliin—BFP spokesperson

‘SA pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa’.
Marso na naman, at ito ang tema ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay sa paggunita  sa Fire Prevention Month.

Sa panayam ng SMNI News kay Fire Senior Supt. Annalee Carbajal-Atienza, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pag-iingat mula sa sunog dahil mahalaga na hindi lang ang ahensiya ang kailangang magbantay kundi maging ang lahat ng mamamayan.

“Ito po, gusto nating i-emphasize na ‘yung Bureau of Fire Protection program is a whole of nation approach na po tayo. Gaya ng nasabi natin, everyday is fire prevention day and it is everybody’s concern.”

“Gusto po nating iinstill sa kaisaipan ng ating community na sama-sama po tayo. Balewala po ang mga programa ng ating ahensya kung hindi po tayo magko-cooperate, magpa-participate, or susunod dito po sa ating fire code. Patuloy po tayo magtulungan para ito nga, ‘yung figures natin, pababa ng pababa na rin po,” ayon kay F/SSUPT. Annalee Carbajal-Atienza, Spokesperson, Bureau of Fire Protection.

Sa datos ng BFP mula Enero 1 hanggang Pebrero 28, may pagbaba sa mga kaso ng sunog sa buong bansa na mula sa halos apat na libong kaso ay naging higit sa dalawang libo na lang sa kaparehong panahon.

Isa sa mga naging dahilan bukod sa modernization program ng ahensiya ay ang programang Oplan Ligtas na pamayanan na isang information drive kung saan nagbabahay-bahay ang mga miyembro ng BFP para kausapin ang mga may-ari ng bahay tungkol sa mga hakbang para maiwasan ang sunog.

Dagdag din ni Atienza na unti-unti na ring natututo ang mga mamamayan sa pagpapalakas ng nasabing hakbang sa bawat barangay fire brigades na kasama rin sa pag-promote ng fire prevention.

Samantala, muling nagpaalala ang BFP sa mamamamayang Pilipino pagdating sa mga paraan para maiwasan ang sunog lalo na ngayong Fire Prevention Month.

“Lahat po tayo ay hinihimok at inaanyayahan na makibahagi sa ating mga programa ng Bureau of Fire Protection. Lahat na po ng avenue, pinupuntahan natin. Nasa social media na po tayo, nandiyan na po ang mga square road shows sa mga mall, at lahat po ng maaaring puntahan o participatan ng ating Bureau of Fire na makita ‘yung uniform natin at magkaroon ng kumbaga wake-up call sa community sa may bumbero. Nahugot ko na ba ‘yung ginamit na appliances, napatay ko ba ‘yung gasul? So ito pong mga bagay na to, kailangan talaga nating iinstill sa mind ng ating community,” wika ni Atienza.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble