MULING nagbuga ng kulay-abo na usok ang Bulkang Kanlaon nitong Biyernes ng hapon.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa 150 metro ang taas ng inilabas nitong usok.
Bukod rito, nagtala rin ng 24 na volcanic earthquakes ang naturang bulkan.
Sa ngayon, nanatili sa Level 3 ang alerto nito.