ISANG panalo nalang ang kailangan para makapasok sa finals ang Barangay Ginebra San Miguel.
Tila walang plano ang Gin Kings na bigyang ng pagkakataon ang Northport Batang Pier na manalo sa kanilang semifinals series ng PBA Commissioner’s Cup.
Kasunod ito ng panibagong panalo ng koponan na nagtapos sa iskor na 127-100.
Bago nito, tinambakan din ng gin kings ang Northport sa kanilang first-two games.
Nanguna naman sa panalo ng koponan si Jaime Malonzo na may 25 points at 8 rebounds at Justin Brownlee na may 22 points at 8 rebounds.
Dahil dito, hawak na ng Gin Kings ang 3-0 lead sa kanilang serye at isang panalo na lang ang kanilang kailangan para umusad sa finals.
Follow SMNI News on Rumble