IDINIKIT ng Rain or Shine ang kanilang serye ng TNT Tropang Giga matapos magwagi sa Game 3.
Naging mainit ang laro sa pagitan ng dalawang koponan na nagtapos sa iskor na 103-98 pabor sa Elasto Painters.
Tumulong sa panalo ng team si Deon Thompson na may double-double 19 points at 15 rebounds.
Habang nag-ambag ng double digit points sina Caelan Tiongson, Adrian Nocum at Anton Asistio.
Sa ngayon, 2-1 na ang serye sa pagitan ng dalawang koponan na pabor pa rin sa TNT.
Magaganap naman ang Game 4 sa pagitan ng mga koponan sa Miyerkules, Marso a-singko.
Follow SMNI News on Rumble