PUNO ng sigla at suporta ang campaign rally ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa São Paulo, Brazil na dinaluhan ng mga Pilipino na galing pa sa iba`t ibang estado ng bansa.
Ito ang unang pagkakataon na nagdaos ng isang campaign rally sa Brazil ang isang kandidato mula sa Pilipinas at mainit naman itong sinuportahan ng mga Pilipino.
Ilan sa supporters ni Pastor Quiboloy ang nagpahayag ng kanilang saloobin kung bakit nila sinusuportahan ang butihing Pastor.
Umaasa ang mga supporter ni Pastor Apollo C. Quiboloy na malaki ang maiaambag niya sa bansa upang malutas ang mga suliranin at matulungan ang mga Pilipino hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin ang Overseas Filipino Workers (OFW).