DOE nanawagan ng pagtitipid sa kuryente sa papalapit na tag-init

DOE nanawagan ng pagtitipid sa kuryente sa papalapit na tag-init

NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) sa publiko na magpatupad ng energy efficiency measures upang mapanatili ang sapat na suplay ng kuryente ngayong paparating na tag-init.

Ayon sa ahensiya, mainam na iwasan o ipagpaliban ng publiko tuwing peak hours ang mga aktibidad na gumagamit ng maraming enerhiya o kuryente.

Ang peak hours ay mula 11 AM hanggang 3 PM tuwing weekdays at 6 PM hanggang 9 PM tuwing weekends.

Ang pagsunod dito ay makatutulong upang maiwasan ang pagkukulang ng supply at posibleng pagtaas ng presyo ng kuryente.

Pinayuhan din ng DOE ang lahat na itakda sa 24-26°C ang aircon o kaya’y gumamit ng electric fan at samantalahin ang natural na bentilasyon.

Maganda ring panatilihing nasa maayos na kondisyon ang appliances para hindi masayang ang kuryente.

Hinimok din ang mga commercial at industrial establishment na gumamit ng energy-efficient na teknolohiya tulad ng LED lighting at automated energy management systems.

Mainam din na gumamit ng renewable energy sources tulad ng solar power.

Sa forecast ng DOE, inaasahang aabot sa 14,769 megawatts ang demand sa Luzon; 3,111 megawatts sa Visayas; at 2,789 megawatts sa Mindanao ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble