NILINAW ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi pa nagsisimula ang dry season o ang panahon ng tag-init.
Sa paliwanag ng state weather bureau, bunga lang ng easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean ang nararanasang mainit na panahon sa kasalukuyan.
Kaugnay nito, ipinaalala ng Department of Health (DOH) na hangga’t maaari ay iwasang ma-expose sa init ng araw.
Ugaliin ding uminom ng maraming tubig.
Ang mga nakatatanda na may sakit ay pinayuhan ding huwag kalimutang inumin ang kanilang mga gamot.