KAILANGAN ng Commission on Elections (COMELEC) ng karagdagang P4.7B para sa kanilang bagong headquarters sa Pasay City.
Paliwanag ng poll body, ang naunang P8.225B budget para rito ay kinalkula pa noong 2018. Ngunit kung pagbabatayan na ang halaga ng equipment ngayong 2025, nasa P13B na ang kailangan ng COMELEC para maipagawa ang kanilang sariling gusali sa Pasay.
Kung maitatayo ito, makakatipid ang bansa ng P170M kada taon dahil hindi na kailangang magbayad ng renta sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila, at sa hiwalay na warehouse sa Laguna.