IBINEBENTA sa Brazil ang iligal na Liquefied Petroleum Gas (LPG) mula sa Argentina.
Dahil sa ilang beses na pagtaas ng presyo ng langis at maging ng Liquified Petroleum Gas sa Brazil, iligal na nag-iimport ang iilang residente mula sa karatig bansa.
Batay sa Internal Revenue Service ng Brazil, mas dumadami na ang mga iligal na nag-iimport ng gas gaya na lamang ng bansang Argentina para ibenta ito sa bansa.
Sinabi ni Mark Tollemache –Chief revenue officer sa Dionisio Cerqueira ng Santa Catarina na kumpara sa regular na presyo ng LPG na RS100 ay mabibili lamang ang mga imported na gas sa RS25, habang RS3 lamang ang presyo ng imported na gasolina kumpara naman sa mahigit RS7 na regular na presyo sa bansa.
Ngunit sa kabila ng malaking deperensya ng presyo ay lubhang delikado umano nito dahil sa highly flammable ito dahil inilalagay sa mga hindi angkop na mga lagayan.
Kaya ayon kay Tollemache, mas pinapalawak na ng pamahalaan ang operasyon nito laban sa ilegal na pag-iimport sa bansa para maprotektahan ang mga konsyumer at maging ang fuel sector ng bansa.
Samantala, ayon sa National Agency for petroleum, natural gas and biofuels, sa ikaapat na magkakasunod na linggo ay nagtaas na naman ang presyo ng gas sa Brazil ng 3.1%.