Jaclyn Jose inalala sa ‘In Memoriam’ segment ng 2025 Oscars

Jaclyn Jose inalala sa ‘In Memoriam’ segment ng 2025 Oscars

PINARANGALAN at inalala sa ‘In Memoriam’ segment ng katatapos lang na 2025 Oscars ang Pinay actress na si Jaclyn Jose.

Ibinahagi ito ni Andi Eigenmann sa kaniyang social media nitong Marso 3, 2025, isang araw matapos ang kauna-unahang death anniversary ng kaniyang inang si Jaclyn.

Kung matatandaan, Marso 2, 2024 nang pumanaw si Jaclyn sa edad na 60 taong gulang dahil sa atake sa puso.

Kasama ni Jaclyn sa inalala ng naturang segment ang namayapa na ring mga Hollywood star gaya nina Gene Hackman, Donald Sutherland, at Maggie Smith.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble