IPATUTUPAD na ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price (MSRP) simula ngayong Lunes, Marso 10.
Bunga ang hakbang sa ginawang pakikipagpulong ng kagawaran sa mga stakeholder sa industriya ng baboy.
Sa naturang pagpupulong, napagkasunduan ng DA at mga stakeholder na ipako sa P350 ang presyo sa kada kilo ng pork kasim at pigue.
Habang P380 naman sa kada kilo ng liempo.
Layon ng naturang hakbang na mapagaan ang pasanin ng mga mamimili sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na ang karne.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumilis ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy at manok noong buwan ng Pebrero na may malaking ambag sa inflation rate.