UMABOT sa 44,872 ang bilang ng mga pasaherong kababaihan na nakatanggap ng Libreng Sakay sa MRT-3 noong Sabado, Marso 8, bilang pagdiriwang ng International Women’s Day.
Mayroong 21,216 na mga kababaihang pasahero ang nakakuha ng Libreng Sakay mula 7:00 am hanggang 9:00 am.
Samantala, 23,656 naman ang nakalibre ng pamasahe mula 5:00 pm to 7:00 pm.
Mayroon namang kabuuang 319,052 pasahero ang naitala noong Sabado.
Ang Libreng Sakay ay bilang pagkilala at pasasalamat ng MRT-3 sa mga kababaihan sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.
Namigay rin ng libreng mga pamaypay ang MRT-3 sa mga kababaihang pasahero noong Marso 7.
Editor’s Note: This article has been sourced from the DOTr MRT-3 Facebook Page.
Follow SMNI News on Rumble