Pastor Quiboloy at PDP-Laban Slate dinagsa ng suporta sa Bukidnon

Pastor Quiboloy at PDP-Laban Slate dinagsa ng suporta sa Bukidnon

Mula Luzon hanggang Mindanao, patuloy na lumalakas ang sigaw ng suporta para kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at PDP-Laban Slate.

PATULOY na lumalakas ang suporta para kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at PDP-Laban Senatorial Slate sa kabila ng samu’t saring batikos at paninira sa mga iniendorso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa Northern Mindanao, ramdam ang sigla ng mga taga-Bukidnon kung saan sunod-sunod ang malalaking event na dinagsa ng libu-libong mga tao.

Mababait anila ang pamilya Duterte at mayroon pang isang Pastor Apollo C. Quiboloy. Lahat anila ng mga PDP-Laban ay hindi mga kurakot.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng demand mula sa mga lokal na taga-suporta, nakatakda na rin ang isa pang pagtitipon sa Lantapan sa susunod na Linggo, na lalong nagpapatibay sa lumalawak na grassroots movement na sumusuporta kay Pastor Quiboloy at sa PDP Slate.

“Wala mang ayuda dito, pero pumunta ako dito hindi para sa ayuda ngunit para sa ikabubuti ng bayan,” ayon kay Feliz Salgado, Supporter.

Bilang pinakamataong probinsiya sa Hilagang Mindanao o Region X, mahalagang balwarte ng kilusang ito ang Bukidnon.

Mahigit 1.5 milyong mamamayan ang naninirahan sa nasabing lugar, at ngayon, nagsisilbi itong sentro ng isang lumalawak na paggising sa politika at lipunan—isang patunay na mas marami na ang umaakibat sa bisyon at plataporma ni Pastor Quiboloy at ng PDP-Laban.

Isa sa malalakas na pundasyon ng kaniyang suporta ay ang matibay na pagkakaisa ng mga Indigenous Peoples’.

Ang Bukidnon ay tahanan ng maraming katutubong tribo—kabilang ang Talaandig, Higa-onon, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon, at Umayamnon—na bumubuo ng humigit-kumulang 60% ng populasyon ng lalawigan.

Sa loob ng maraming dekada, walang sawang ipinaglaban ni Pastor Quiboloy ang karapatan at kapakanan ng mga katutubo, dahilan kung bakit malalim ang paggalang at pagtangkilik nila sa kaniya.

“Kung saan ang rally, basta malaman namin sumasama talaga kami, pumupunta kami, sumusuporta talaga kami sa PDP-Laban. Si Pastor Quiboloy, siya ang Pastor na malaki ang nagawa sa Davao del Norte sa pagtulong sa lahat dahil ang kanyang puso, nasa tribo talaga,” pahayag ni Datu Moroy Sag-a Mambukon, Tribo ng Tigwahanon.

Bilang UN IGO Ambassador sa Pilipinas at tagapagtatag ng United Indigenous Peoples Heritage of the Philippines (UniPhil), patuloy niyang isinusulong ang representasyon ng mga katutubo, ang pagprotekta sa kanilang lupang ninuno, at ang pagpapabuti ng kanilang pamumuhay.

“Ito lang ang aming nakita aming pag-asa na makatulong sa aming tribo na lumad.

Isa din siya sa makatulong sa aming tribo si Apollo Quiboloy. Number 1 ‘yan sa aming balota, Ma’am, sa aming tribo,” ayon naman kay Dioso Andica, Tribo ng Tigwahanon.

Dahil sa malasakit ng Butihing Pastor sa kanila, kinilala siya ng iba’t ibang tribo.

Noong 2022, ginawaran ng titulong “Datu Pamulingan” ng Obu-Manuvu tribe, si Pastor Quiboloy at noong 2023 naman, kinilala siya ng B’laan tribe sa Sarangani bilang “Datu Tud Labun”, na nangangahulugang “Tagapamagitan sa Langit.”

Sa patuloy na paglaganap ng panawagang “Ayusin Natin ang Pilipinas,” libu-libo ang patuloy na yumayakap sa adhikain ni Pastor Quiboloy para sa isang mas matibay, mas maayos, at mas inklusibong bansa—lalo na ang mga katutubo, na matagal nang nakikita siya bilang kanilang tunay na tagapagtaguyod at tagapagtanggol.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble