HINDI na kailangang magsuot ng faceshield ang lahat na pupunta sa sinehan.
Binigyang-diin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Atty. Don Artes, hindi parin maaaring kumain o uminom sa loob ng sinehan.
Maaari na ring pumunta ang mga kabataan basta’t tiyakin lang na nakasunod sila sa health standards gaya nalang ng pagsusuot ng facemasks.
Ipatutupad rin sa mga miyembro ng pamilya ang one-seat apart rule sa mga sinehan sa Metro Manila.
Umaasa naman ang MMDA na magpapatupad ng striktong capacity limits sa sinehan ang lahat na mall owners sa Metro Manila.