CJFI Ambassador, namahagi ng biyaya kasabay ng kanyang kaarawan sa mga bata sa Davao City

CJFI Ambassador, namahagi ng biyaya kasabay ng kanyang kaarawan sa mga bata sa Davao City

NAMAHAGI ng biyaya kasabay ng kanyang kaarawan ang Children’s Joy Foundation Incorporated Ambassador na si Victoria Manaday sa mga bata sa Davao City.

Kasama ang mga in-house kids sa residential facility ng Children’s Joy Foundation Incorporated (CJFI) sa Davao City.

Ipinagdiwang ng mga kabataan ang ika-23 na kaarawan ni Victoria, ang kauna-unahang ambassador ng CJFI sa residential center nito.

Dahil hindi pa makalabas bunsod ng nararanasang pandemya, minabuting dalhin ni Victoria, kasabay ng suportang hatid ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, ang kasiyahan para sa mga batang benepisyaryo ng CJFI sa residential facility nito.

Sabik at tuwa ang makikita sa bawat batang dumalo, habang tuwang-tuwa sa mga palaro para sa kanila—at syempre pa ang mga pa-premyong makukuha nila. Ito ay bukod pa sa mga pagkaing inihanda para sa mga kabataan.

At bilang pasasalamat sa pagbibigay saya at biyaya, isang presentasyon naman ang inihanda nila para kay Victoria at mga kasamahan nito.

Samantala, nagpasalamat naman si Victoria kay Pastor Apollo, ang major benefactor ng CJFI, sa pag-aaruga, pagmamahal nito sa kanya at sa milyon-milyong kabataan na nasa ilalim ng Children’s Joy Foundation Inc.

Lumaki mismo si Victoria sa ilalim ng pangangalaga ni Pastor Apollo, at lumaki itong may dignidad, responsible, at may takot sa diyos, at ibinabahagi rin niya ang kanyang mga biyaya at kabutihan sa iba pang mga kabataan.

Sa loob ng mahigit dalawang dekada, patuloy na nagbibigay ng saya, pag-asa, at magandang buhay para sa mga batang nangangailangan ng aruga, at kalinga ang Children’s Joy Foundation Inc.

SMNI NEWS