LIBU-libong supporters ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang dumalo at nakiisa sa Liwasang Bonifacio sa nagpapatuloy na prayer rally para sa dating presidente.
Sigaw ng supporters, “Bring Him Home” na ngayon ay nakadetine sa The Hague, Netherlands.
Para sa mga dumalo, hindi katanggap-tanggap ang pagsuko-kung hindi man pagkakanulo-ni BBM sa dating Pangulo na itinuturing na ‘Ama ng Bayan’.
Saad nila, mali na i-turnover ang isang kapwa Pilipino sa kamay ng mga banyaga kahit ano pa ang mga isyung kinasasangkutan nito.
Bakas sa mukha ng mga dumalo ang galit at dismaya sa BBM administration. Giit nila — maituturing na un-Filipino ang ginawa ni BBM.
Mula sa iba’t ibang sektor ang mga dumalo, mga ordinaryong Pilipino, negosyante, uring manggagawa, mga lingkod bayan at iba’t ibang partido.
Dumalo rin ang mga kapatid na Muslim at kinatawan ng iba’t ibang sekta at paniniwala.
Nakausap ng SMNI News ang OPM Legend na si Freddie Aguilar.
At ang kaniyang komento ay sumasalamin sa damdamin ng mga dumalo.
Bukod sa Liwasan, 17 mga lugar sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang sumama na simultaneously sa event.
Follow SMNI News on Rumble