MAGBIBIGAY ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng P300M financial grant para sa Philippine National Police Academy (PNPA).
Gagamitin ito upang pondohan ang pagpapabuti ng mga pasilidad at pagbibigay ng advanced training sa mga kadete.
Kasama rin sa paggagamitan ng pondo ang pagbili ng firearms training simulators, mapping and predictive policing software para suportahan ang crime analysis, visualization, at prevention training ng mga kadete.
Bukod rito, nagbigay rin ang PAGCOR ng tsekeng nagkakahalaga ng P2.2M sa PNPA Alumni Association Inc. para sa pagbili ng bagong service vehicle.
Kabilang din dito ang pagbili ng 100 tablets na makatutulong sa pangangailangan sa pag-aaral ng mga kadete.