NAGBABALA ang isang heneral sa Iran sa posibleng resbak na maaaring mangyari matapos isagawa ng Estados Unidos ang mga pag-atake sa mga Houthi rebel sa Yemen.
Ang mga pag-atake ng Estados Unidos sa Yemen ay nangyari noong Sabado, Marso 15, 2025.
Nasa 53 ang nasawi dahil dito habang nasa 98 ang sugatan.
Nilinaw naman ng Iran na hindi nila suportado ang Houthi rebels lalo na sa kanilang mga pag-atake sa mga barkong dadaan sa Red Sea.