Mga dating gabinete nasa likod sa pagkanulo ng gobyerno kay FPRRD sa ICC

Mga dating gabinete nasa likod sa pagkanulo ng gobyerno kay FPRRD sa ICC

BINIGYANG-diin ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na mas mainam pang nagbitiw na lang sa puwesto kaysa nag-traydor.

“Mas mainam pang nagbitiw na lang kaysa naging traydor!” pahayag ni Atty. Salvador Panelo, Dating Chief Presidential Legal Counsel.

Ito ang matapang na buwelta ni Panelo laban sa mga dating kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na siya mismong nanguna sa pagkakanulo sa kaniya sa kamay ng mga dayuhan sa ICC.

Sa halip nga aniya na tumayo sa katotohanan, ay pinili aniya ng ilan sa mga dating opisyal ng administrasyong Duterte na makipagsabwatan sa pagpaplano ng pag-aresto sa dating Pangulo.

“Nagbitiw na lang sana o nanahimik na lang,” ayon pa kay Panelo.

Diretsahang mungkahi ni Panelo kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año matapos aminin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na si Año, kasama sina Defense Secretary Gilberto Teodoro at Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang nasa likod ng pagpaplano ng pag-aresto kay FPRRD

Teodoro at BBM, tinatawag na core group sa paghahain kay FPRRD sa ICC sa The Hague, Netherlands.

Iginiit naman Panelo na dapat ay hindi na lang nakisali si Año sa plano, bilang respeto sa taong nagmahal at nagbigay sa kaniya ng posisyon sa pamahalaan.

Imposible rin aniya na hindi alam ni Año na mali at ilegal ang kanilang ginagawa, ngunit nanatili itong bulag at bingi at ginawa pa rin ito laban sa dating Pangulo.

“Kaya binabash ‘yang si Ed,… alam mong mali… iligal… O tumahimik ka na lang…” aniya pa.

Sabwatan ng mga dating gabinete ni FPRRD, ikinagulat ni Panelo

Aminado si Panelo na hindi niya lubos akalain na magagawa nina Año at Teodoro ang aniya’y “conspiracy” o pakikipagsabwatan laban sa dating Presidente ng Pilipinas.

“Pero ‘yung ikaw ay kasama,… sa plotting…” ayon kay Panelo.

Bukod rito, itinuturing din ni Panelo na isang malaking kawalang-hiyaan ang ginawa ng mga dating opisyal ni Duterte.

Aniya, binalasubas ng mga ito ang dignidad ng dating Pangulo.

Bukod pa rito, bigo rin silang bigyan ng sapat na atensiyon ang pangangailangang medikal ng dating Pangulo, na nagdulot ng matinding epekto sa kaniyang kalusugan—lalo na sa pagdating niya sa The Hague, Netherlands, kung saan kapansin-pansin ang kaniyang panghihina.

“Hindi lang ‘yan… mabuti sana kung maganda ang ginawa niyo… balasubas ang ginawa niyo… Talagang pinapatay niyo ‘yung tao,” ani Panelo.

Taumbayan, hindi masisisi kung galit at dismayado sa mga nagsabwatan para maaresto si FPRRD

Dahil dito, hindi aniya masisisi ang matinding galit ng taumbayan sa mga inakalang kaibigan noon ni Pangulong Duterte, dahil nakikita naman ngayon kung paano nila tinalikuran ang dating Presidente.

“Kayong mga dating nagmamahal kay President Duterte… Kaya na-bash kayo ngayon,” ayon pa kay Panelo.

Sa kabila ng mga akusasyon at matitinding pahayag, nananatili pa ring tahimik ang kampo nina Año at Teodoro hinggil sa isyung ito.

Habang patuloy na nag-aabang ang publiko sa anumang susunod na hakbang ng magkabilang panig, nananatiling sentro ng usapin ang usapin ng legalidad, katapatan, at soberanya ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble