NILAHUKAN ng iba’t ibang grupo, businessmen, at iba pang indibidwal ang isinagawang meet-up drive na pinangalanang “Bring Home Tatay Digong” sa lalawigan ng Pangasinan na layuning ipanawagan na maiuwi na ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bansa.
Ayon kay Voltaire Tolentino, isang vlogger, rider, at presidente ng content creators ng Pangasinan, layunin ng “Bring Home Tatay Digong” meet-up drive na ipanawagang maibalik sa bansa si dating Pangulo na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands.
Nagsimula ang meet-up drive sa Baywalk Lingayen patungong Binmaley, Dagupan, Calasiao, Sta. Barbara at nagtapos sa Mangaldan para ipanalangin ang pagbalik sa Pilipinas ni dating Pangulong Duterte.
Nais naman ipakita ni Eric Soriano, taga-Mangaldan, ang kaniyang suporta kay dating Pangulong Duterte sa paglahok sa aktibidad dahil ang dating Pangulo lang aniya ang may mabuting ginawa sa bansa.
Sobrang sakit aniya para sa kaniya ang ginawang pag-aresto sa dating Pangulo at dinala sa banyagang bansa para litisin.
Guardians Newhope Brotherhood Int’l Inc. sa Pangasinan, nagpahayag ng buong suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa PDP-Laban
Samantala, taos-puso ang suporta ng Guardians Newhope Brotherhood Int’l Inc. (GBNII)–Aguilar chapter kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at ng buong senatorial slate ni dating Pangulong Duterte sa PDP-Laban.
Ito ang inihayag ni Arturo Narvais Tarikan, Founder ng GBNII sa isinagawang regular monthly meeting ng mga kasapi ng grupo sa Aguilar Chapter.
Ayon kay Tarikan, si Pastor Quiboloy ay isang maka-Diyos, maka-tao, at maka-bayan—ang mga katangian na hinahanap ng kanilang grupo sa isang kandidato, kaya hinikayat ni Tarikan ang buong miyembro ng kanilang organisasyon sa Pangasinan na suportahan ang Butihing Pastor.
Dumalo rin sa nasabing pagtitipon si 2nd District board member candidate Bobby Merrera para ipakita ang supporta.
Samantala, isa sa plataporma na nagustuhan ni Nickson Delos Santos, GBNII National founder ng 3rd District ng Pangasinan, ang zero corruption ni Pastor Quiboloy.
Naniniwala naman si Edgar Loren, kasapi ng GBNII Lingayen Chapter, na walang kasalanan si Pastor at lahat ng ibinibintang sa kaniya ay puro politika lamang.
Ayon kay Tarikan, aabot sa 28K ang miyembro ng kanilang grupo sa lalawigan ng Pangasinan na solidong sumusuporta sa PDP-laban senatorial slate, isa na rito si senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.