Flying Titans at Chargers pasok na sa semifinals ng 2024-25 PVL All-Fil Conference

Flying Titans at Chargers pasok na sa semifinals ng 2024-25 PVL All-Fil Conference

SIGURADO na para sa semifinals ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference ang Choco Mucho Flying Titans at Akari Chargers.

Sa unang game nitong Huwebes, Marso 20, 2025, ang scoring ay 25-15, 12-25, 25-23, 21-25, 15-13 pabor sa Flying Titans.

Dahil dito, natalo nila ang PLDT High Speed Hitters.

Para sa Flying Titans, nanguna si Sisi Rondina sa kaniyang 21 points habang 15 points ang ambag ni Royse Tubino.

8 points naman mula kay Isa Molde; at tig-7 points sina Maika Ortiz, Cherry Nunag, at Mars Alba.

Sa sumunod na game, 19-25, 25-20, 16-25, 25-20, 15-12 naman ang scoring pabor sa Akari Chargers kontra Galeries Tower Highrisers.

20 points ang ambag ni Eli Soyud para sa Akari habang 15 points ang mula kay Faith Nisperos.

Si Grethcel Soltones ay may 13 points; 8 points mula kay Ivy Lacsina; at 7 points kay Ced Domingo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble