“Paskong Panalo” ng Cleanfuel: Mga nagwagi, ginawaran ng premyo

“Paskong Panalo” ng Cleanfuel: Mga nagwagi, ginawaran ng premyo

HINDI matatawaran ang saya ni Roberto nang manalo siya ng grand prize na Toyota Raize mula sa “Paskong Panalo ng Cleanfuel.”

Hindi rin niya inaasahan na siya ang grand prize winner.

Para sa kaniya, bilang isang trailer driver, obligado siyang kargahan ng gasolina ang minamaneho niyang truck sa Cleanfuel.

Dito, nagsimula nang magkaroon siya ng app ng Cleanfuel at nagkaroon ng entry para manalo sa raffle.

Plano na ring mag-resign si Roberto sa trucking industry at gagamitin na lamang sa serbisyo sa Grab ang napanalunang sasakyan para sa kanyang pagkakakitaan.

Si Cherry naman ay nanalo ng Honda PCX 160.

Sa simula, akala niya scam ang text message ang natanggap niya at sinasabing nanalo siya ng motorsiklo.

Pero nang makita niya sa FB page at tinawagan siya ng kumpanya ng Cleanfuel, doon niya nabatid na totoo ang mga blessings na hindi niya inaasahan.

Pag-aari ng kumpanya ang kotse na ginagamit niya at pinapagasolina sa Cleanfuel, at ito lamang ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya na magkaroon ng scooter.

Gaya ni Cherry, hindi rin inaasahan na mananalo si Jeffrey ng Honda PCx 160 sa e-raffle promo.

Bukod sa 3 nabanggit, tumanggap din ang 5 pang winner ng voucher para sa 1year free fuel sa Cleanfuel.

Sabi ni Kris Lim, ang brand marketing head, at Seymour Go, ang Director ng Cleanfuel Group of Companies, taon-taon ginagawa ang e-raffle promo o ang “Paskong Panalo ng Cleanfuel” para ibalik sa nararapat sa mga motorista na patuloy na tumatangkilik sa Cleanfuel.

Para manalo, mag-register lang sila ng Cleanfuel Reward app.

Pag may app na sila, automatic pag magpapagasolina na sila, iscan lang ang kanilang QR para magkaroon ng entry doon sa promotion.

Target din ng Cleanfuel na palawigin pa ang kanilang promosyon sa mga motorista.

Samantala, tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng Cleanfuel sa buong Metro Manila at Luzon.

Sa ngayon, mayroon nang 138 Cleanfuel station habang target na maabot ito na 150 station bago matapos ang taon.

Plano rin nilang maglagay ng Cleanfuel station sa Visayas at Mindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble