APEKTADO ang nasa 45.8K (45,844) katao o 28.7K (28,724) pamilya sa malawakang pagbaha sa Eastern Samar dulot ng patuloy na pag-ulan dala ng shearline mula noong Marso 20, 2025.
Lubos na apektado ang Borongan City at mga bayan ng Taft, San Policarpo, Sulat, Maslog, Can-avid, Maydolong, Dolores, at San Julian.
Nasawi ang isang 66 years old na lalaki mula sa bayan ng Llorente matapos malunod nang tumaob ang kaniyang bangka noong Marso 20.
Natagpuan ang kaniyang katawan noong Marso 23, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Llorente.