DALAWANG linggo na ang lumipas mula nang sapilitang dalhin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands—isang hakbang na itinuturing ng kaniyang mga tagasuporta bilang pinakamalaking pagtataksil ng administrasyong Marcos sa taumbayan.
Ang galit ng publiko ay hindi na mapipigilan pa dahil ang taong nagpatino at umayos sa bansa, ang siya pang inuusig ngayon. Ang malala pa—hindi sa sarili niyang bansa siya nililitis kundi sa kamay ng mga dayuhan.
Sa gitna ng mga kilos-protesta at malawakang sigaw ng suporta, isang signature campaign ang ilulunsad ng iba’t ibang NGOs upang kalampagin ang ICC at igiit ang agarang pagpapauwi kay Duterte. Pangungunahan ito nina dating Sen. Gringo Honasan at Cong. Dante Marcoleta.
Sa ilalim ng petisyong ito, lalagdaan ng libu-libong Pilipino ang panawagang ito upang ipakita sa buong mundo na hindi sila tatahimik, hindi sila papayag, at hindi sila magpapaloko!
“Signature campaign from NGOs kahit wala dahil wala kaming personalidad para ihain ito in an individual basis. So, binubuo namin ang isang malawak at malapad na coalition na non-government organization.”
“Sa kalsada, sa social media, sa harap ng camera, sa harap ng mikropono—importante na marinig natin ang tunay na tinig ng taumbayan,” ayon kay Dating Sen. Gringo Honasan.
Sa pamamagitan ng signature drive na ito, pormal na ipararating sa ICC ang matinding sigaw ng sambayanang Pilipino na pabalikin na sa Pilipinas si dating Pangulong Duterte.
“Ang ginagawa namin ngayon ay hindi lamang salin ng tuntunin ng ating batas kundi nakasalin din sa patakaran at tuntunin ng ICC. Hindi namin ito gagawin kung labag sa ICC at kung marami ang pipirma, ay mas maganda at makita ng ICC na sa ganitong paraan ay nagkakaisa na ang mga Pilipino maliban pa doon sa boses na nakikita nila worldwide. Hindi ito parang terrible lang lahat ito ay ipapadala sa ICC!” ani Rep. Dante Marcoleta.
Ngayong linggo, maglalagay ng signature wall si Honasan sa Liwasang Bonifacio para sa mga nais lumagda sa petisyon. Bukod rito, maaari ring lumagda online sa pamamagitan ng social media upang mas maraming Pilipino sa loob at labas ng bansa ang makiisa.
Ayon kina Honasan at Marcoleta, may isang paraan lang upang mapahupa ang matinding galit ng bayan—ibalik si dating Pangulong Duterte sa Pilipinas!
Dahil kung hindi kayang bigyan ng hustisya ang isang dating Pangulo, paano pa ang maliliit, mahihirap, at ordinaryong Pilipino na walang kalaban-laban?
Follow SMNI News on Rumble