Pagtitipon ng OFWs sa buong mundo patunay ng pagmamahal kay FPRRD

Pagtitipon ng OFWs sa buong mundo patunay ng pagmamahal kay FPRRD

FPRRD isang tunay na lider na nag-iwan ng hindi mapapantayang tatak sa bawat Pilipino—patuloy na iginagalang, hinahangaan, at minamahal ng milyun-milyong OFWs sa buong mundo.

Berdugo, mamamatay-tao, kamay na bakal, ilan lamang sa mga hindi magagandang katangian na ipinipinta ng mga kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaniya.

Pero sa kabila ng mga akusasyong ipinupukol sa kaniya—hanggang sa tuluyan na siyang isuko sa International Criminal Court (ICC) ng gobyerno ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., mas pinipili pa rin ng maraming OFW na magtipon upang ipanawagan ang hustisya sa kawalan ng due process sa kaniyang pagkakaaresto at ang pagpapabalik dapat sa dating Pangulo sa Pilipinas.

Ano nga ba ang mayroon sa dating Pangulo ng Pilipinas?

Ang bansang Thailand ay tahanan ng mahigit 39,000 Pilipino, nagsalita ang ilan sa kanila kung bakit patuloy nilang minamahal ang dating Pangulo.

Sinabi ni Christopher Eugenio, dalawang dekada nang nagtatrabaho at naninirahan sa Thailand. Aniya, nagmarka sa kaniya ang husay ng pamumuno ng dating Pangulo.

“Hindi peke eh, kaya marami kami dito na nagmamahal sa kaniya. Ewan ko ha, mahirap ipaliwanag sa salita,” ayon pa kay Christopher Eugenio, OFW in Thailand.

“Nakita namin ang genuine love niya sa Pilipinas. Ewan ko ha, mahirap ipaliwanag sa salita, mahirap maghanap ng salita para i-describe ang ginawa niya. Kung tutuusin, six years is enough, pero kung puwede, mag-extend siya,” aniya pa.

Kaya naman hindi pinalampas ng mga Pilipino sa Thailand ang pagkakataong magsagawa ng pagtitipon para sa kaarawan ni dating Pangulong Duterte.

“We really wanted to let the people hear the voice of OFWs. Kasi hindi man natin maiparating sa Pilipinas, through this activity, malakas tayo, puwede nating maiparating ang mensahe natin. We really love former President Rodrigo Duterte,” ayon naman kay

Inggrid Lottuss Rojo, 3 Years OFW, High School Teacher.

Para naman kay Boss Dada, anchor ng SMNI at isang political commentator, ang ganitong klaseng pagtitipon ay isang patunay na walang katotohanan ang mga akusasyon laban kay dating Pangulong Duterte—at mas marami ang nagmamahal sa kaniya kaysa sa naninira.

“Senyales ito at isang pagpapatunay na ang gobyernong ito sa Pilipinas ay gobyernong mapanghusga at deceitful na gobyerno. Kasi ang mga pagtitipon ng tao ay isang pruweba na si Pangulong Duterte ay hindi tulad ng kanilang pinalalabas. Ang istorya nila, at ayon sa reports nila—kasapakat ang mainstream media—na berdugo si Pangulong Duterte, na maraming pinatay sa Pilipinas… na itong ICC, politika lang,” pahayag ni Boss Dada, SMNI Anchor, Political Commentator.

Ngayong Biyernes, Marso 28, daan-daang Pilipino ang magtitipon upang ipagdiwang ang ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Duterte sa Valencia, Bangkok, Thailand.

Nagpaabot naman ng mainit na pagbati ang mga Pilipino para sa kaarawan ni dating Pangulong Duterte ngunit higit pa sa selebrasyon, iisa ang kanilang panalangin—ang muling pagbabalik ng dating Pangulo sa minamahal niyang bayan—ang bansang Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter