ISANG espesyal na cake ang inihandog ng Mindanao Culinary and Cake Decorating Society sa Roxas Avenue sa Davao City para sa ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ipinakita ito sa pagtitipon ng mga Dabawenyo bilang pagpapakita ng suporta at pagmamahal sa dating Pangulo lalo na’t kasalukuyang siyang nahaharap sa mga hamon sa International Criminal Court (ICC).