ARESTADO ang isang lalaki matapos pagbabarilin ang isang motorcycle rider sa isang insidente ng road rage sa Antipolo City nitong Linggo.
Sa sobrang galit, aksidente rin niyang natamaan ang sarili niyang asawa.
Ayon sa Facebook post nina Mayor Jun Ynares III at dating Mayor Andrea Ynares, ilang beses nagpaputok ng baril ang suspek, dahilan upang tamaan din ang kaniyang misis.
May ilan pang posibleng biktima na isinugod sa ospital, habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang ugat ng alitan.