Mga Pilipino sa UK, nagdiwang ng kaarawan ni FPRRD

Mga Pilipino sa UK, nagdiwang ng kaarawan ni FPRRD

NAGDIWANG ng kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Pilipino sa United Kingdom.

Sa iba’t ibang bahagi ng United Kingdom—mula England, Wales, Scotland, hanggang Northern Ireland—nagsagawa ng tatlong araw na selebrasyon mula Marso 28 hanggang Marso 30 bilang pagbibigay-pugay sa dating pangulo.

Isa sa mga nag-organisa ng pagdiriwang ay ang PDP-Laban sa Marble Arch, London, kung saan sama-samang kinantahan ng “Happy Birthday” si dating Pangulong Duterte at nagbigay ng kani-kanilang pagbati ang mga dumalo.

Samantala, nagsagawa rin ng pagtitipon ang MAISUG UK noong Sabado. Kahit isang araw na ang lumipas mula sa mismong kaarawan ni FPRRD, marami pa rin ang dumalo upang makiisa sa pagdiriwang.

Hindi rin nagpahuli ang mga Pilipino sa Surrey, Rhyl sa North Wales, at maging sa Scotland, kung saan ginanap ang pagdiriwang sa Edinburgh.

Sa Northern Ireland naman, nagtipon ang mga kababayan natin sa Londonderry—isang lungsod na may malaking bilang ng mga Pilipinong residente—pati na rin sa Belfast, ang capital city ng Northern Ireland.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble