SAF member nasawi matapos barilin ng kapwa pulis sa CamSur dahil sa labahan

SAF member nasawi matapos barilin ng kapwa pulis sa CamSur dahil sa labahan

NASAWI ang isang SAF member ng PNP-SAF Camarines Sur matapos tamaan sa ulo nang barilin ng kapwa pulis sa loob mismo ng SAF compound sa Camarines Sur, nitong Martes, April 1, 2025.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Rodel Abelido y Calumpiano, 31 anyos, walang asawa, tubong Palapag, Northern Samar.

Samantala, kinilala ang suspek na si Patrolman Jhonel Idos y Cabagang, 31 anyos, miyembro ng PNP-Special Action Force CamSur, walang asawa, at tubong Capul, Northern Samar.

Ang ugat ng hidwaan ay dahil lamang sa labahan.

Ayon sa ulat, sinabihan umano ng suspek ang biktima na huwag ipasok ang kaniyang labahan sa loob ng comfort room dahil marami aniyang gumagamit sa lugar. Nagalit umano ang biktima at pinatamaan ng suntok ang suspek.

Dahil dito, agad na binunot ni Cabagang ang kaniyang mahabang armas at saka pinaputukan si Calumpiano, na nagtamo ng tama sa ulo. Agad siyang itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan subalit kalaunan ay binawian din ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente para sa posibleng pagsampa ng kaukulang kaso sa mga sangkot.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble